Donations are essential to keep Write Out Loud going    

Alam mo ba

bakit nga ba ako naghihintay

bakit nga ba ako umaasa

niloloko ko lang ang sarili ko

pinapaiyak ko lang ang puso ko

sinasamantala ang kahinaan ng damdamin ko

kung alam ko naman simula't simula pa'y talo na ako

kung alam ko naman na kinalimutan na ako ng puso mo

 

alam mo ba

 

wala ni sandali na di kita naisip

wala ni sandali na di ako naghintay

wala ni sandali na di ako umasa

wala ni sandali na di ako umiyak

 

alam ko naman na pinatay mo na ang ka-butil

na nararamdaman mo para sa akin

pero wala eh

natangay na ako ng agos

mahal kita sa malayo.

hiddenlovetagalogpoetrylove

◄ Tanga

3 hours ►

Comments

No comments posted yet.

If you wish to post a comment you must login.

This site uses cookies. By continuing to browse, you are agreeing to our use of cookies.

Find out more Hide this message